Governor Edgardo Tallado, gumagawa na ng paraan upang mapunuan ang kakulangan ng supply ng bakuna sa lalawigan

CAMARINES NORTE- Magsisilbing malaking hamon para sa Pamahalaang Panlalawigan ng Camarines Norte ang kakulangan ng supply ng bakuna

Ito ay matapos na ikalungkot ni Governor Edgardo Tallado ang naging ulat ni Acting Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco na ang Camarines Norte sa buong Bicol Region ang Last Priority ng Department of Health sa Supply ng Covid Vaccine

Ayon sa Gobernador, gumagawa na ng paraan ang kanyang tanggapan na  mapunuan ang kakulangan sa Covid -19 Vaccine sa lalawigan

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Sa kabila naman nito, Masaya namang ibinalita ng Gobernador na may isang daang libong (100,000.00 )Covid 19 Vaccine ang parating sa ating probinsya na sasapat para sa mga hindi pa nababakunahang mga frontliners partikular na sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH ) at sa Provincial Government Employees.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Bunsod nito, muling nanawagan si Camarines Norte Governor Edgardo Egay’Tallado sa lahat ng mga kawani ng Provincial Government at sa buong mamamayan ng Camarines Norte na pagibayuhin ang pag-iingat upang makaiwas sa posibleng pagkakahawa ng COVID-19.

(photo courtesy: CN-PIO)