PRRD, ipinagmalaki na marami sila sa PDP-Laban ang may maraming asawa

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na marami sa mga kalalakihan na dumalo sa PDP-Laban convention ang katulad niya na may dalawang asawa.

Inihayag ito ng Pangulo kasabay ng kaniyang pagtanggap sa nominasyon ng PDP-Laban faction ni Energy Secretary Alfonso Cusi para maging vice presidential candidate nito sa 2022.

Read More:  US Secretary Marco Rubio meets Marcos in Manila

Sinabi ng Pangulo sa national convention ng ruling party sa Pampanga na kailangan siyang makilala ng kaniyang mga kapartido.

Anya, naging mabuti siyang ama habang meron dalawang asawa.

Ikinumpara rin ng Pangulo ang pagkakaroon ng dalawang asawa sa mga sasakyan, kung saan ay sinabi niya na kailangan ang reserba kapag nasiraan ang isa.

Read More:  House prosecutors say VP Sara Duterte’s high ratings won’t affect impeachment trial

Umani naman ng palakpak mula sa manunuod ang mga sinabi ng Pangulo.

Mababatid na ang tinutukoy ng Pangulo ay ang dati nitong asawa na si Elizabeth Zimmerman at ang kasalukuyang partner nito na si Honeylet Avanceña