PRRD, hinimok ang mga human rights groups na laliman ang pag-unawa sa sitwasyon ng Pilipinas sa ilegal na droga

Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga human rights groups na laliman ang pag-unawa sa sitwasyon ng ilegal na droga sa Pilipinas.

Sinabi ng Punong Ehekutibo sa kanyang weekly address na kapansin-pansin na halos araw-araw ay meron mga tao ang namamatay dahil sa ilegal na droga.

Pero ayon sa Pangulo, dahil ito sa panlalaban ng mga suspek.

Read More:  NBI witness fails to identify alleged hitman in VP Sara trial

Ipinunto rin ng Pangulo na may mga pulis rin ang nasusugatan at namamatay araw-araw.

BInigyang diin naman ng Pangulo sa mga kritiko na huwag nang takutin ang mga pulis sa demanda kung hindi naman sila handang tumulong.

Inihayag rin ng Pangulo walang napala ang mga human rights investigations na pinangunahan ng Commission on Human Rights, ng Senado at Kamara.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Base sa datos ni Interior Secretary Eduardo Año ay inihayag ng Pangulo na nasa 11 tao ang nasawi sa mga operasyon ng pulisya laban sa ilegal na droga mula June 6-13.

Tinatayang nasa P1.2-billion naman ang halaga ng mga nakumpiskang ilegal na droga.