PRRD, hindi babanatan ang Senado kung walang tinatago – Gordon

Naniniwala si Senator Richard Gordon na hindi babanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Senado dahil sa imbestigasyon nito kaugnay sa overpriced medical supplies kung wala itong tinatago.

Dahil dito ay sinabi ng senador na dapat ay asahan na ang paglalim ng imbestigasyon ng Senado sa isyu upang malaman kung sinu-sino ang mga koneksyon ng Pharmally, na isang start-up firm, na may paid-up capital na P625,000, ngunit na-awardan ng bilyon-bilyong kontrata.

Read More:  NBI files ethics complaint against Kiko Barzaga

Sinabi ni Gordon na dapat ay sagutin ng Pangulo ang mga alegasyon imbis na kampihan ang mga iniimbestigahang tao ng Senado kabilang na ang mga tao na nasasangkot sa ilegal na droga, ang mga indibidwal na kinokonsiderang best friends ng Punong Ehekutibo, at pati na rin ang mga nagsisinungaling sa Senado.

Ipinunto ng senador na sinasabi ng Pangulo na wala na itong kinalaman kay dating presidential adviser on economic affairs Michael Yang at sa Pharmally.

Read More:  DENR preparing for possible impact of Super El Niño

Gayunman, inalala ni Gordon na noong 2017 pa lang ay nakipagpulong na ang Pangulo sa mga opisyal ng Pharmally.

Inihayag rin niya na inamin ni Pharmally President Huang Tzu Yen na humiram ito ng pera kay Yang, na nagsilbi rin anya bilang guarantor ng start-up firm.