PRRD, dadalo sa virtual APEC informal leaders meeting ngayong araw

Magpapartisipa si Pangulong Rodrigo Duterte sa gaganaping virtual Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Informal Leaders’ Retreat ngayong araw (July 16).

Sa isang pahayag ay sinabi ng Office of the President na makakasama ang Pangulo sa pagpupulong na gaganapin simula mamayang alas-7 hanggang alas-9 ng umaga sa pamamagitan ng video conference.

Read More:  Dizon returns to DOTr as Lopez takes over DPWH

Makakasama ng Pangulo ang iba pang APEC leaders kung saan ay inaasahang pag-uusapan ng mga ito ang mga pamamaraan para maibsan ang epekto ng COVID-19 pandemic.

Read More:  BAN Toxics urges removal of unauthorized squishy toys over potential health risks

Inaasahang tatalakayin rin ng mga kalahok na world leaders ang mga opportunidad para sa kolaborasyon upang mapabilis ang muling pagbangon ng ekonomiya.

Mababatid na ang nasabing retreat, na pangungunahan ng New Zealand, ay isa sa mga highlights sa 2021 APEC calendar.