Proyektong gusali na health center sa bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte na linaanan ng 5 milyong pisong pondo tapos na at nakatakda ng i-turn over

CAMARINES NORTE – Tapos na at nakatakda ng i-turn over ang proyektong gusali na Health Center sa bayan ng Jose Panganiban Camarines Norte na nilaanan ng pondong nagkakahalaga ng 5 milyong piso.

Ang bagong gusali umano ay batay sa pamantayan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naglalayong magbigay ng mas modernong pasilidad para sa pangangalaga ng kalusugan ng mga residente ng naturang barangay at mga karatig lugar.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Ang pagkakaroon umano ng ganitong pasilidad ay magbibigay ng mas maginhawang serbisyo sa mga nangangailangan ng tulong medikal at iba pang serbisyong pangkalusugan.

Ang naturang gusali ay nilagyan ng mga kwarto para sa mga pasyente, mga opisina para sa mga barangay health worker at medical staff, mga espasyo para sa mga konsultasyon at pagsusuri para sa emergency situations.

Read More:  He could have built software. Instead, he joined a revolution

Inaasahang ang pagpapatakbo ng health center ay magiging isang malaking tulong umano sa komunidad, malapit at mas mabilis na serbisyo medikal sa mga residente, na magiging kapaki-pakinabang lalo na sa mga oras ng mga kritikal na pangangailangan sa kalusugan.