Provincial legal officer ng Pampanga, biktima ng pamamaril sa City of San Fernando

Pinagbabaril ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang Provincial Legal Officer ng Pampanga na si Atty Gerome Tubig kaninang umaga sa City of San Fernando.

Nangyari ang insidente sa isang parking lot sa harap ng VL Makabali Memorial Hospital pasado alas syete kaninang umaga.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Sakay si Tubig ng kanyang sasakyan nang bigla umano itong lapitan ng suspek at pinagbabaril.

Read More:  Dump truck falls into sea while boarding ship in Cebu

Naitakbo naman agad sa pagamutan ang biktima at ngayon ay masusing inoobserbahan ng mga doctor.

Patuloy naman ang pulisya sa kanilang imbestigasyon.