Provincial government ng Sorsogon, maglalaan ng P33M pondo para sa pag-aayos ng nasirang spillway sa bayan ng Bulan

Kinumpirma ng Lokal na Pamahalaan ng Bulan na maglalaaan ang Pamahalaang Panlalawigan ng Sorsogon ng P33M pondo para sa paglalagay ng mas matibay na tulay sa bahagi ng Barangay San Ramon, Bulan matapos ang nangyaring pagkasira ng spillway dahil sa walang tigil na pag-ulan.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Sa panayam ng Brigada News Sorsogon kay Antonio Gilana, head ng Municipal Disasters Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), sinabi nito na base sa kanilang pakikipagpulong kay Governor Edwin Boboy Hamor ay nangako itong papalitan na lamang ng tulay ang nasirang spillway upang wala nang maging problema ang mga residente sa naturang barangay sakaling muling magkaroon ng mga pagbaha.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Ang konstruksyon ng bagong tulay ay inasaahang sisimulan sa pagpasok ng 2023.