Proper waste disposal, nais maipatupad ng maayos sa Quezon, Palawan

Nais na mahigpit na ipatupad sa bayan ng Quezon palawan ang pagkakaroon ng tamang waste disposal sa mga tourist spot sa munisipyo.

Ito ay naka-base sa isinumeting resolusyon mula sa Sangguniang Panlalawigan na iniakda ni Board Member Marivic Roxas sa lokal na pamahalaan.

Hinihiling rin na magkaroon ng isang information dissemination campaign ang concerned agencies na sumasaklaw sa turista at pangalalaga ng kalikasan upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan sa isang lugar.

Samantala, inaasahan na sa pagpapatupad nito ay magkakaroon ng positibong tugon mula sa mga turista kaya nararapat umano itong mapaigting.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *