NAGA CITY -Mahigpit pa ring pinapasunod ng Naga City Abattoir kasama ang City Veterinary Office na magkaroon at panatilihin ang proper sanitation sa mga transport vehicle na naghahatid ng karne sa loob at labas ng lungsod.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Roberto Acabado, City Abattoir Chief, sinabi nitong ilan sa mga nakikita at naoobserbahan nila sa mga nagtatransport ng karne ay ang kakulangan sa pagpapanatili ng kalinisan ng mga sasakyan kung kaya’t ito rin ang isa sa mga layunin nila sa paggamit ng Meat Delivery Van sa pamamahagi ng karne sa mga karatig bayan.
Taong 2017 pa nang makuha ng Naga City Abattoir ang Double A slaughterhouse standard mula sa National Meat Inspection Service (NMIS) at 2019 nang kilalanin ito bilang World Class Slaughterhouse na nangangahulugang mahigpit ang pagpapatupad nila sa mga patakaran para mapanatili ang pagkakaroon ng de kalidad at malinis na karne.