𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧 𝗔𝗡𝗚𝗘𝗟 𝗧𝗥𝗘𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗢𝗟𝗘 𝗥𝟬𝟮, 𝗠𝗔𝗕𝗘-𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗬𝗨𝗛𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟭𝟬𝟬 𝗖𝗛𝗜𝗟𝗗 𝗟𝗔𝗕𝗢𝗥𝗘𝗥𝗦 Nabigyan ng bagong pag-asa ang nasa kabuuang 104 na child laborers sa Santiago City, at Rizal, Cagayan sa pamamagitan ng Project Angel Tree ng Department of Labor and Employment Region 2.
Layunin ng Project Angel Tree na gawing malaya ang mga kabataang manggagawa at mabigyan sila ng pagkakataong mangarap at mag-aral, Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team, 50 na child laborers ang na-benepisyuhan sa Lungsod ng Santiago kung saan nabigyan sila ng pagkakataon na matuto at mag-enjoy sa iba’t ibang mga pang-akademikong aktibidad.
Samantala, sa lalawigan ng Cagayan, mayroon namang 54 na child laborers ang kanilang natulungan. Nakatanggap din ang mga ito ng mga school supplies, food packs, bigas, dental at hygiene kits, mga damit, at libreng gupit.
Nagpaabot naman ang ahensiya ng pasasalamat sa lahat ng mga pampubliko at mga pribadong organisasyon na nakibahagi sa kanilang programa.