Produktong Gin-c ng isang kooperatiba sa Jones, Isabela; pumatok matapos irekomenda ng Pangulo

Patok ngayon ang produktong Gin-C ng Jones Producers Cooperative matapos irekomenda mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay DTI Provincial Director Winston Singun, ang naturang kooperatiba ay rehistrado sa DTI Isabela kung saan maliit lamang umano ang pagawaan nito na sinusuportahan ng LGU Jones.

Aniya, ibinigay umano ni Isabela Governor Rodito Albano III ang naturang produkto sa Pangulo.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Dagdag pa niya, dati na ring kumukuha ang Gobernador sa nasabing kooperatiba ng Gin-C bilang inumin ng mga frontliners.

Ikinatuwa naman ni Dir. Singun ang pagrekomenda ng Pangulo sa nasabing produkto dahil dumami umano ang nagtatanong sa kanilang ahensya upang mag-order nito at sa pamamagitan nito ay nasusuportahan ang mga produktong lokal.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Bukod sa calamansi juice ay gumagawa rin ang nasabing kooperatiba ng turmeric, mango juice at pickled mango.

Ibinahagi rin ni PD Singun na inorder na ni Gov. Albano ang lahat ng Gin-c products na kayang i-produce ng kooperatiba.

Samantala, overwhelmed naman umano ang Jones Producers Cooperative dahil sa pagdagsa ng konsyumer na gustong bumili ng kanilang produkto.