Problemang kakulangan at sirang mga silid-aralan sa Naga City sosolusyunan na

NAGA CITY – May 16 na mga pampublikong paaralan sa lungsod ng Naga ang bibibigyan ng prayoridad na mapaayos ngayong school year 2022-2023, batay sa napagkasunduan sa ginawang school board meeting ng DepEd-Naga at ng City Government.

Ang mga pampublikong paralang ito ay kabilang sa mga nasira ng mga dumaang bagyo na hindi naman napondohan ng ahensiya kaya “to the rescue”  ang local na pamahalaan ng Naga.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Bukod sa repair, ang tatlong bagong mga high school ng lungsod tulad ng Sta.Cruz National High School, Del Rosario High School at San Isidro National High School ay magkakaroon din ng dagdag na mga classrooms.

May ilalaang pondo ang LGU-Naga sa mga ito.

Ang school board meeting ay pinangunahan ni City Mayor Nelson Legacion, City School DepEd Supt. Manny de Guzman, Metro Naga Chamber of Commerce and Industry Pres. Mario Villanueva at ni City Councior Lito del Rosario.

Read More:  NIR cities, towns recognized for open governance initiatives

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Del Rosario na siyang committee chair ng education committee sa konseho, sinabi nitong magtutulungan sila para maisakatuparan ang proyektong ito ngayong taon.