Problema sa basura sa lalawigan, maaari na umanong masolusyunan sa itatayong bagong sanitary landfill

Umaabot ng 216 tonelada bawat araw ang nakokolekatang mga basura sa buong Lalawigan ng Sorsogon na umaabot sa 78,840 tons ang volume taon-taon.

Nasa 52.20% o 112.75 tons dito ay biodegradable, 18.75% o 40.5 tons ay residual, 25.29% o 54.63 tons ay recyclable at 1.95% o 4.21 tons ay non-biodegradable.

Sa 15 LGUs ng lalawigan, tanging ang Lungsod ng Sorsogon City lamang ang mayroong sanitary landfill na pinapatakbo ng LGU, siyam na mga LGUs ang nasa ilalim ng Private Partnership at 3 mga bayan ang wala pang sanitary landfill.

Read More:  Cebu City landslide kills three, leaves one survivor as 212 residents are affected

Ayon sa Pamahalaang Lalawigan, malaking tulong upang mabawasan ang problema sa pagdispose ng mga basura sa buong lalawigan ang paggamit ng Pyrolysis technology sa itatayong bagong sanitary landfill ng PLGU sa Sorsogon City at sa bayan ng Bulan.

Read More:  Grade 9 student stabbed in youth riot outside Davao City school

Ang Pyrolysis technology ay magkoconvert sa mga waste materials para maging kapaki-pakinabang na mga produkto.

Malaking tulong rim umano ito upang mabawasan ang mga polusyon na dala ng mga basura. Aabot sa P229M ang ilalaan ng PLGU para sa nasabing proyekto.