Primewater muling iginiit na sinunod ang tamang proseso sa water tariff adjustment

CAMARINES NORTE- Nanindigan ang pamunuan ng Primewater na sinunod nito ang tamang proseso sa pagtaas ng taripa sa tubig.

Sa pagharap ng mga opisyal ng kumpanya sa Sangguniang Panlalawigan nitong Martes, November 22, sinabi ni Branch Manager Mark Anthony Muroda na sinunod nila ang proseso ng National Water Resources Board (NWRB) sa paghingi ng taridd increase.

Nagkataon lang aniya na magkaiba ang proseso ng NWRB at ng Local Water Utilities Administration (LUWA) sa pagsasagawa ng public hearing.

Paliwanag ni Muroda na pagdating sa public hearing ang nag imbita ay ang NWRB at ang polisiya ay doon ito gawin sa kanilang opisina sa halip na dito sa lalawigan ng Camarines Norte.

“Yes dumaan po ito sa proseso ng NWRB nagkataon lang po na magkaiba yung procedure ng dalawa, ng LUWA at saka ng NWRB po ano, it’s just so happen that when LUWA conduct a public hearing dito po yun sa baba ginagawa,” ani Muroda.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

“It just so happen na since dito po tayo sa NWRB nag apply ng tariff ang nasunod pong protocol or procedure is yung sa NWRB of which ang protocol po ng NWRB pagdating po sa public hearing is sila po ay nag iimbita ng mga constituents na doon po sa area meron pong letter silang invitation na dun po sa NWRB mismo gaganapin po yung public hearing.”

Sumunod lang din aniya ang kumpanya sa patakaran ng NWRB sa publication ng tariff increase.

 “With regards po doon sa publication again yung primewater po sumunod din po sa patakaran ng NWRB ano, any known public publication in national circular again we can submit this po sa SP yun pong pinag publishan po ng tariff natin sa  Manila Times, again, since ito po ay rule ng NWRB sinunod lang po naming yung rules ng NWRB.”

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Sinagot naman ng legal counsel ng Villar- owned company  na si Atty. Niel pangan ang tanong kung bakit sa NWRB at hindi sa LUWA sila nag apply ng tariff increase.

Aniya alinsunod sa resolusyon ng Office of the Government Corporate Counsel (OGCC)  kapag pribadong kumpanya ang nag apply ng tariff adjustment sa NWRB dapat ito at hindi sa LUWA.

“Under the OGCC resolution which again is based on the old Philippine Public Service commission law which is now the NWRB, if the applicant is the private entity the application should be lodged with the NWRB and not the LUWA so that’s our legal basis your honor its actually not an option on the part of the Primewater but it’s a jurisdiction given by the law to the NWRB to be the office that can entertain application for water rate adjustment,” paliwanag ni Pangan.