CAMARINES NORTE- Sisimulan na ngayong araw ang joint mobile registration ng Maritime Industry Authority (MARINA) at National Telecommunications Commission (NTC) para sa mga Commercial fishing vessel sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ngayong Miyerkules ay gagawin ang registration sa Mercedes at sa mga susunod na araw ay sa Sta Elena.
Matatandaan na noong isang linggo ay nagpaalala ang MARINA sa mga commercial fishing vessel owner na magpaparehistro na kumpletuhin ang mga documentary requirements.
Ayon sa MARINA sana ay ihanda na ng mga aplikante para sa new registration at renewal ang mga requirements, notarized form at iba pang kinakailangang dokumento.
Dapat din umanong ihanda ang resibo ng makina ng bangka o kung walang resibo ay deed of sale at kung nawala naman ay affidavit of lost para tuloy- tuloy ang pag proseso ng requirements.
Kabilang sa mga dapat asikasuhin ng mga magpaparehistro ay ang vessel plan approval at mga documentary requirements tulad ng Letter of Application, Vessel Name clearance, Notarized builder’s certificate, Notarized affidavit of ownership, colored photographs of vessel, Stencil of engine serial number, ID pictures, 2×2 inches, Tax Idenfication Number (TIN) ng may ari, Valid ID ng may ari, skeleton/accommodation plan at application for NTC License.
Nagpaalala naman ang BFAR na lahat ng bangka na nagawa simula noong March 2022 ay kailangan ang boat construction clearance mula sa ahensiya.
