Preventive measures sa pagkakaroon ng sakit ng mga hayop, tinalakay sa disease management training sa Bula, Camarines Sur

CAMARINES SUR- Naging matagumpay ang isinagawang training on Disease Management for Livestock, Poultry and Pet Animal sa Bula, Camarines Sur kahapon kung saan tinalakay ang mga paraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng sakit ng mga hayop.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Joel Serado, Officer-In-Charge ng Municipal Agricultural Office sa Bula, mahalagang malaman ng publiko ang tamang pag-aalaga sa mga hayop lalo na ang mga nasa livestock at poultry section. Bukod sa dapat maging malusog ito, kailangang natitiyak pa rin na malinis at ligtas itong kainin.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire
Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Dagdag pa ni Serado, kahit na negatibo ang kanilang bayan sa African Swine Fever (ASF) at iba pang sakit, mas mabuti nang naaagapan ang pagdapo nito bago pa man makahawa sa iba at makaapekto sa kabuhayan at kalusugan.