Preventive measures ipinapatupad na sa bayan ng Jose Panganiban dahil sa inaasahang epekto ng bagyong Paeng

CAMARINES NORTE- Nagpatawag na kahapon ng Special MDRRMC Meeting si Mayor Ariel M. Non sa posibleng direktang epekto  ng Bagyong Paeng sa Bayan ng Jose Panganiban,

Sa isinagawang pagpupulong kahapon, tinalakay ang lahat ng mga preventive measures kung saan ang lahat ng BDRRMO sa naturang  bayan ay inatasan ng tanggapan ng Alkalde na maging alerto upang maiwasan ang mga pinsala na maaaring idulot ng Bagyong Paeng sa Jose Panganiban.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Nagbigay rin ng update sa lakas at posibleng tahaking landas ng Bagyong Paeng si Engr. Gerald Junio,  ang MDRRMO Head

Ang nasabing pulong ay dinaluhan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan, mga Punong Barangay, iba’t-ibang tanggapan ng pamahalaan at mga volunteers.

Umaga pa lang nitong Huwebes ay nagdeklara na ang alkalde ng “No sailing Policy” sa mga karagatang sakop ng Jose Panganiban kung saan mahigpit nitong ipinagbawal ang paglalayag ng anumang uri ng sasakyang pandagat sa kanilang bayan.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Pinayuhan naman ng alkalde ang kanilang mga residente na manatiling Updated at tumutok sa mga abisong ipinalalabas ng kanilang tanggapan

Ang bayan ng Jose Panganiban ay isa sa mga potential at risk sa lalawigan tuwing magkakaroon ng bagyo at kalamidad dahil sa ang naturang bayan ay napapalibutan ng karagatan

photo: PIO- Jose Panganiban