Presyo ng RT-PCR test sa Bicol-South Luzon Reference Lab, bumama ng P1K

BICOL—Inanunsyo ng Department of Health (DOH) Bicol na bumaba na ang presyo ng RT-PCR test sa Bicol-South Luzon Sub National Reference Laboratory (BSL-SNRL).

P1000 ang ibinaba nito mula sa dating P3,800, ngayon ay nasa P2,800 na lamang ito. Patuloy naman ang diskwento para sa mga senior citizen at persons with disability sa halagang P2,240.00.

Ang BSL-SNRL ay nasa loob ng Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) compound sa lalawigan ng Albay.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Para sa mga kukuha ng RT-PCR test para sa travel o employment purposes, inirerekomenda na simulant nila ang pagproseso nito dalawang araw  bago ang pagbyahe.

Tumawag lamang sa hotline number na (052) 742-2600 o kaya sa mga cellphone numbers na 09389961063 o 09155492908. Dito kukunin ang mga impormasyon at contact number o email address ng kliyente.

Ang pagbabayad ay maaaring gawin sa pamamagitan ng deposit slip sa Land Bank o online banking.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa araw ng pagkuha ng swab, kailangang dala ang machine validated deposit slip o screen shot ng online banking transaction kasabay ang valid ID o passport.

Pinapaalalahanan din ang publiko na lahat ng swabbing schedule ay itinakda ng alas 9:00 ng umaga. Sinumang hindi makakarating ay irere-schedule na lamang.  

Ang resulta ay maaaring makuha sa loob ng 24 hanggang 48 oras matapos mai-swab at ipapadala sa pamamagitan ng email o hard copy for pickup.### || slm