BICOL—Pumalo na sa 25, 347 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 149 na panibagong kaso sa pinakahuling ulat ng DOH ngayong araw.
91 nito ay mula sa Camarines Sur kung saan 13 ang naitala sa bayan ng Calabanga, sampo sa Buhi, siyam sa Lupi, tigwalo ang Canaman at San Jose, pito sa Sipocot, anim sa Naga City, tig-aapat ang Cabusao, Libmanan, Pamplona, Pili at Ragay, tigdalawa ang Baao at Milaor at tig-iisa ang mga bayan ng Bombon, Caramoan, Goa, Magarao, Sagñay at Iriga City.
Ang Sorsogon ay nagtala ng 36 na bagong kaso kung saan 31 nito ay mula sa Sorsogon City, tigdalawa ang Bulan at Gubat at isa sa Barcelona.
18 na bagong kaso ang nadagdag sa Albay kung saan tig-aapat ang Daraga, Legazpi at Ligao, tatlo sa bayan ng Oas at tig-iisa ang mga bayan ng Camalig, Polangui at Tiwi.
Dalawang kaso naman ang naitala sa Camarines Norte na parehong mula sa bayan ng Daet.
Dalawa rin sa Masbate, mula sa Masbate City at San Pascula habang zero new case ang islang lalawigan ng Catanduanes.
Samantala, pumalo na sa 20, 109 ang total recoveries matapos na madagdagan ng 105 kung saan 67 nito ay mula sa Naga City, 30 sa Masbate, lima sa Catanduanes at tatlo sa Sorsogon.
Pumalo na rin sa 949 ang death toll matapos madagdagan ng isa na mula sa lalawigan ng Sorsogon.
Kaugnay nito ay patuloy ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### || slm