CAMARINES NORTE- Nanatiling mataas ang presyo ng mga produktong petrolyo sa lalawigan ng Camarines Norte sa kabila ng dalawang linggong magkasunod na malakihang roll back.
Sa ngayon ay naglalaro sa P81. 15 hanggang P86. 14 ang kada litro ng diesel habang P78. 60 hanggang P80. 59 naman sa presyo ng gasolina.
Sa Shell Mancruz nasa P81. 15 ang presyo ng kada litro ng kanilang fuel save diesel, P86. 14 sa V power diesel, P78. 60 sa fuel save gasoline at P80. 59 sa V power gasoline.
Sa Seaoil nasa P81. 15 ang kada litro ng exceed diesel, P78. 60 sa Extreme U at P79. 10 sa extreme 95.
Ganito rin ng presyuhan sa Ptt gasoline station para sa kanilang BlueDiesel, Blue Gasoline 93+ at Blue Gasoline 95+.
Wala ring pinagkaiba ang presyuhan sa Petron Pandan para sa kanilang diesel, xtra advance at XCS habang P 83. 15 sa kanilang turbo diesel.
Sa Petro Gazz Basud nasa P80. 95 ang kada litro ng GDZL power, P76. 35 sa GPrime 91 at P76. 85 sa GPremium.
Noong nakaraang Linggo ay ipinatawag ni Governor Dong Padilla ang mga gasoline station owner upang pag usapan ang mas mahal na presyo ng krudo at gasolina dito sa Camarines Norte kumpara sa karatig probinsiya.
