Presyo ng mga isda sa NCR, walang paggalaw ngayong Martes Santo

Walang paggalaw o hindi tumaas ang presyo ng isda na ibinebenta sa ilang pamilihan sa Metro Manila kahit pa pumatak na ang Martes Santo.

Sa Mega Qmart sa Quezon City, naglalaro pa rin sa 100-140 ang bentahan ng kada kilo ng Tilapia habang 150 hanggang 180 naman ang kada kilo ng bangus.

Read More:  Labor group pushes ‘no work, no pay’ rule in Senate

Nasa 200 naman ang kilo ng tulingan at galunggong, 260 ang kada kilo ng matambaka, habang umabot naman sa 400 ang kada kilo ng hipon.

Ayon sa ilang nagtitinda, hindi kase nagtaas ang kuha nila sa supplier kaya walang dahilan para magtaas din sila ng presyo.

Read More:  Ombudsman files plunder case against Jinggoy Estrada

Sa ngayon ay sakto lang umano ang bentahan ng isda kahit na maraming Katoliko ang umiiwas na kumain ng karne ngayong panahon ng Semana Santa.

Samantala wala ding pagbabago sa presyo ng mga karne. Nananatili sa 330 ang kada kilo ng laman ng baboy habang nasa 180 ang kada kilo ng manok.