Presyo ng itlog, hindi nakikitang sisirit ngayong ber months ayon sa DA

Stable ang supply ng itlog sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Department of Agriculture Asst. Secretary Arnel de Mesa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon program, sinabi ni De Mesa na bagaman posibleng tumaas ang presyo ng itlog, pero hindi naman anya nila nakikitang sisirit ang presyo nito.

Dalawang pagkakataon lang daw na-oobserba ng DA ang pagtaas ng demand sa itlog, ito ay tuwing pasukan at tuwing nalalapit ang pasko.

Sa ngayon naglalaro sa 6 hanggang 9 pesos ang presyo ng kada piraso ng medium size na itlog.

Maliban sa itlog, inaasahan din ng DA na gaganda na ang presyo ng gulay dahil sa pag ganda ng panahon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *