Presyo ng ilang mga Noche Buena items, nagmahal na

Tumaas na ang presyo ng ilang mga produktong pang-Noche Buena kahit na higit dalawang buwan pa bago ang Pasko.

Kung ikukumpara ang presyo, tumaas ang ilang Noche Buena items kabilang ang mayonnaise, sandwich spread, cheese, at fruit cocktail.

Read More:  Former Sen. Tolentino appointed as acting DOLE secretary

Kasali rin sa may taas-presyo ang isang kilalang brand ng hamon, halimbawa, ay tumaas nang P5 kada kilo kompara sa presyo nito noong nakaraang taon.

Sinisiguro naman ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroong pagpipilian na affordable para sa lahat.

Read More:  NMC: PH activities in Pag-asa and Lawak Islands are ‘legitimate exercises’

Samantala, posibleng pang tumaas ang presyo ng mga Noche Buena goods habang papalapit ang Pasko dahil hindi ito kasali sa mga produktong may suggested retail price.