CAMARINES NORTE- Halos sumampa na uli sa P80 ang kada litro ng gasolina gayundin sa diesel sa ilang gasolinahan sa Daet, Camarines Norte kasunod ng panibago na namang oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis nitong Martes, March 29.
Sa Shell Mancruz nasa P79. 59 ang presyo ng V- Power gasoline, P78 sa Fuel Save gasoline, P79. 19 sa V- Power diesel at P75. 19 sa kanilang Fuel Save diesel.
Sa Caltex gasoline station nasa P74. 20 sa Diesel, P77. 60 sa Silver habang P78. 10 naman sa Platinum.
Ganito rin ang presyuhan sa katabing Seaoil gasoline station kung saan P74. 20 kada litro ang kanilang Exceed diesel, P77. 60 sa Extreme U at P78. 10 sa Extreme 95.
Pareho din sa Ptt gasoline station kung saan P74. 20 ang kanilang BlueDiesel, P77. 60 sa Blue Gasoline 93+ at P78. 10 sa Blue Gasoline 95+.
Sa Petron Pandan P74. 20 ang diesel, P77. 60 sa Xtra Advance, P78. 10 sa XCS at P76. 20 sa Turbo diesel.
Ganito rin ang presyuhan sa katapat na Phoenix para naman sa kanilang diesel, Super Unleaded at Premium.
