Presyo ng bigas posibleng bumaba sa huling buwan ng 2023

Posibleng sa dulo pa ng taon magsisimulang bumaba ang presyo ng bigas sa merkado.

Ayon kay Samahang Industriya ng Magsasaka Chairman Rosendo So, posibleng  sa buwan pa ng Nobyembre o Disyembre magsisimulang maramdaman ang pagbaba ng presyo ng bigas sa bansa.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Samantala sisimulan naman ngayong araw ang pagbebenta ng non-government organization na Philippine Rice Industry Stakeholders Movement ng murang presyo ng bigas kung saan pumapalo ito sa P38 kada kilo.

Read More:  Philippines borrows $1.5 billion from ADB amid Middle East crisis

Ani Grains Retailers’ Confederation of the Philippines Inc. spokesperson Orlando Manuntag, nakadepende ang presyo ng bigas sa demand at supply, at kung magkano ang presyuhan ng palay sa bawat probinsiya sa tuwing panahon ng anihan.