Mabuting pamamahala ang solusyon sa “insurgency” – PNP

Naniniwala ang Philippine National Police (PNP) na mabuting pangangasiwa ng mga lokal na pamahalaan ang magiging solusyon sa ‘insurgency’ o terorismo sa Mindanao.

Read More:  Palace seeks reconsideration of SC ruling on unprogrammed funds

Ayon kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., magsisimula lamang insurgency kung ang serbisyo ng gobyerno ay hindi na sapat para mapanatili ang seguridad sa lugar.

Hiniyakat rin nito ang iba pang ahensya ng gobyerno na mas bigyan ng kahalagahan ang pakikipagtulongan sa isa’t-isa.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Inihayag ito ni Acorda sa pagbisita niya sa Police Regional Office (PRO)-10 sa Cagayan de Oro, Northern Mindanao.