President-elect Marcos, pansamantalang hahawakan ang Department of Agriculture

Inanunsyo ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na pansamantala niyang hahawakan ang Department of Agriculture.

Ayon kay Marcos, malaki umano ang problema ng agrikultura sa bansa kaugnay sa umanoy naiulat na food crisis kaya naman nais niya munang hawakan ito.

Read More:  Ridon calls for probe into pro-Duterte, pro-China personalities

Aniya isa itong praktikal na bagay kung saan mas mapapabilis ang aksyon kasabay ng pagalaw ng ekonomiya sa buong mundo.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Samantala, sinabi niya na gustong tutukan ng kanyang administrasyon ang pagtaas ng presyo ng mga pagkain dahil sa ‘outside forces’ na nakakaapekto sa suplay nito.

(ARGIE ERGINA)