President-elect Marcos, pinulong ang economic team para talakayin ang agenda nito sa susunod na administrasyon

Idinaos ang isang pagpupulong kasama si President-elect Bonbong Marcos ang at incoming economic team nito.

Present sa naturang pagdalo ang mga papasok na miyembro ng Gabinete ni Marcos na sina incoming Budget Secretary Amenah Pangandaman, incoming NEDA chief Arsenio Balisacan, incoming DPWH Sec. Manny Bonoan, incoming DTI Sec. Fred Pascual, incoming Labor Secretary Benny Laguesma, at BSP Governor and incoming Finance Secretary Ben Diokno.

Read More:  Visayas grid to experience Yellow Alert again today

Ayon kay Diokno, tinalakay ang magiging economic agenda ng Marcos Administration sa susunod na anim na taon.

Ang binuong ‘medium-term fiscal plan’ ay nakatakda umanong isumite sa Kongreso para sa ratification.

Read More:  Comelec targets reopening of voter registration in Feb 2027

Tinalakay din ang mga plano ng susunod na gobyerno para mapababa pa ang kahirapan, at ang deficit sa GDP.

Muli namang natalakay ang digitalization ng gobyerno para mas mapabilis ang revenue collection at maiwasan ang kurapsyon.
#