Pres. Duterte nanguna sa paggunita sa ika-158 kaarawan ni Gat. Andres Bonifacio

Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang paggunita sa ika-158 taong kapanganakan ni Gat. Andres Bonifacio sa pamamagitan ng isang seremonya sa Spirit of Pinaglabanan Monument ng Pinaglabanan Shrine sa San Juan City.

Nag-alay ng bulaklak ang Pangulo sa pagsisimula ng aktibibad na may temang ‘Bonifacio 2021: Pagbubuklod para sa Kaligtasan at Kalusugan ng Bayan’.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa buod ng programa pinarangalan ng punong ehekutibo si Bonifacio sa pamamagitan ng pagbibigay ng Order of Lapu-Lapu na may ranggong ng Magalong na tinanggap naman ng apo ng bayani.

Sa talumpati ni Pangulong Duterte, ginunita nito ang katapangan ni Bonifacio na kailangan umano ngayon ng bagong henerasyon sa gitna nang kinakaharap na pandemic.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Hinimok naman ng Pangulo ang lahat ng mga Pilipino na maging bayani sa pamamagitan ng paglahok sa lahat ng mga aktibidad na makakatulong sa pagpapaunlad ng bansa.