Pres. Duterte iniutos ang buo ng Special Investigation Team sa pamamaril patay sa staff ng incumbent Mayor sa Camarines Sur

NAGA CITY- Nakarating na kay Pangulong Duterte ang insidente ng pamamaril-patay sa dating punong barangay na siya ring political adviser ng incumbent mayor ng San Jose Camarines Sur , iniutos ng pagbuo ng Special Investigation Team.

Nababahala ang mag amang sina San Jose Former Mayor Anthony “Tony” Chavez at incumbent Mayor Dr. Mac Chavez sa kanilang seguridad kasunod insidente. Ang dating alkalde ay kandidatong Kongresista sa ika-apat na distrito o sa Partido Area habang ang anak ay re-eleksyonista.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Ayon sa mag-ama hahayaan nila ang imbestigasyon ng PNP , sa ngayon hindi nila matiyak kung may koneksyon sa politika ang insidente. Subalit batid ng mag-ama na may mga banta sa buhay ni Jonathan Clidoro.

Ayon pa sa kandidatong Congressman na ang Special Investigation Task Force ay maaring makatulong din sa paglutas sa iba pang shooting incident sa kanilang bayan noon pang 2019 Elections.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa hanay naman ng PNP, sinabi sa Brigada News FM Naga ni PLt. Noe Balantes , OIC ng PNP San Jose na nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon. Hindi pa nila matukoy kung politika ang rason.  Bago aniya ang insidente hindi pa humihingi ng protective security ang mag-ama subalit bukas sila para rito at dedepende rin ito sa Commission on Elections.