CAMARINES NORTE- Tuloy- tuloy ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections para sa December 2022, Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa kabila ng napipintong pagpapaliban nito.
Sa bayan ng Mercedes, Camarines Norte ay natapos na ang ang pag inspeksyon sa polling places na gagamitin sa halalan.
Ayon kay Election Officer III Emily Basilonia ang ginawang inspection sa mga polling place ay para makita at masiguro na handa ang mga gagamiting classrooms sa araw ng eleksyon.
Ang bayan ng Mercedes ay mayroong 26 na barangay, 20 voting centers, 244 established precints at 101 clustered precints.
Batay sa datos ng Comelec nasa 35, 311 ang bilang ng registered voters habang nasa 14, 046 naman ang SK voters.
Sa Election Registration Board (ERB) hearing noong Agosto, nasa 141 ang nakansela ang registration dahil sa pagkamatay, 132 dahil sa double registration at 178 naman ang nag transfer s aibang bayan.
Naka- post na rin ang Computerized Voters List.
Mababatid na nito lang Martes ay nakalusot na sa Kamara sa ikalawang pagbasa ang House Bill 4673 na layong ipagpaliban ang Barangay at SK elections
Ang panukalang ito ay substitute bill ng dose-dosenang mga panukalang inihain sa Kamara para i-postpone muli ang halalan na nakatakda sana ngayong Disyembre.
Sa ilalim ng panukalang batas, ipagpapaliban ng isang taon ang naturang halalan.
Sa Senado naman ay pormal na ring hiniling ni Sen. Imee Marcos na ipagpaliban ang halalan sa pamamagitan ng Senate Bill 1306.
