Pre-emptive evacuation sa Albay, hindi na ipapatupad – APSEMO

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Public Safe and Emergency Management Office (APSEMO) na hindi na magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng Albay ng pre-emptive evacuation dahil sa bagyong Karding.

Ayon kay Cedric Daep, mayroon nang bagong inaprubahan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. tungkol sa rekomendasyon sa mga rehiyon na apektado sa nasabing bagyo, kabilang na rito ang suspension ng klase at trabaho sa gobyerno .

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Maliban pa rito, papalayo na rin ang nabanggit na bagyo sa rehiyon kung kaya hindi na rin ito mararamdaman sa Albay.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Dahil dito, ang tanging gagawin ng nasabing opisina ay susundin ang inaprubahan ng pangulo sa mga rehiyong apektado sa bagyo. Kung babalikan, sa panayam ng Brigada News Fm Legazpi kay Albay Gov. Noel Rosal ay nagpatupad ito ng pre-emptive evacuation kahapon ng umaga sa mga lahar-prone, landslide-prone at low lying areas dahil sa bagyong Karding.