Prayer rally para sa pinatay na esytudyanteng si Irish payonga, ginawa sa Camarines Sur

CAMARINES SUR-Nagtipon ang mga estudyante , kaanak, simbahan at kakilala sa prayer rally para sa Senior High School Student na si Irish Payonga; ang dalagang nawala ng ilang araw na patay na nang matagpuan sa Pili, Camarines Sur.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Ang mga lumahok na paaralan, unibersidad at organisasyon ay nagbigay ng kani-kanilang pahayag pagkondena, kalungkutan at patuloy na pagsigaw ng hustisya.

Nasundan ito ng misa na pinangunahan ni Archdiocese of Caceres, Archbishop Rolando J. Tria Tirona, OCD.DD.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Pagkatapos ng misa ay nagkaroon ng prusisyon patungo sa lugar kung saan nakuha ang bangkay ng dalaga, nagsindi ng kandila,  nag-alay ng bulaklak , awit at panalangin.

Hiling ng simbahan ang ligtas na pamayanan gayundin ang patas na hustisya.