CAMARINES SUR- Hinihikayat ng Philippine Ports Authoritry Camarines Sur ang mga pasahero ng roro at lahat ng nasa pantalan na mag-suot ng facemask.
Ayon kay PPA Manager Rey Mendizabal, ito ay alinsunod sa direktiba ni PPA General Manager Jay Santiago. Binigyan diin nito na hindi naman mandatory pero mas maganda na ang mag-ingat lalo na’t tumatas ang kaso ng influenza. Sa tala ng Department of Health tumataas din ang bilang ng mga tinatamaan ng COVID-19.
Samantala, handa na ang opisina sa pagdagsa ng mga pasaherong pauwi sa Masbate at mga pabalik din sa Pasacao Port. Sa pagtataya ng PPA officer mas magsasabay-sabay ang pabalik na ng Maynila kaysa mga paparating ngayong Pasko at Bagong Taon.