Mayroong pagbaba ang singil sa kuryente ng Isabela Electric Cooperative 1 ngayong buwan ng hulyo batay sa kanilang paabiso ngayong araw.
Ang pagbaba ng singil sa kada kilowatt hour ngayong buwan ay resulta ng implementasyon sa kautusan ng Energy Regulation Commission noong ika-13 ng Hunyo alinsunod sa ERC Case Bo. 2024-017 MC o ang deklarasyon ng market suspension noong naranasan ang Red Alerts nitong nakaraang buwan.
Dahil ditto, ang singil sa kilowatt hour sa mga residential consumers ay P11.0939, P10.2186/KwH ang singil sa mga low voltage consumer at P9.0894/ kWh sa mga high voltage consumer.