Postponement ng SK at Barangay elections 50-50 pa rin – COMELEC Naga

NAGA- 50-50 pa rin ang postponement ng Sanguniang Kabataan at Barangay Elections ito ay sa kabila ng pag apruba ng House Committee on Suffrage sa pag-postone sa halalan sa December 5, 2022.

Ayon sa House panel, ililipat sa unang Lunes ng December 2023 ang botohan at uupo ang mga opisyal sa Enero 1 , 2024.

Read More:  Cyclist injured after collision with LTO vehicle in Mandaue City, Cebu

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Naga City Commission on Election (COMELEC) Officer Atty. Mico Julia sinabi nitong , hindi pa pinal ang desisyon dahil iaakyat pa ito sa Kongreso gayundin sa Senado hanggang sa mapirmahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang batas.

Read More:  Man leaves suspected explosive before blast at Legazpi STL outlet

Habang wala pang desisyon ang pangulo tuloy ang paghahanda ng COMELEC.

Hati naman ang opinyon ng publiko sa komite , base sa kanilang mga komento , may mga kontra dahil nais na raw nilang mapalitan ang kanilang mga opisyal pero mayroon namang nanghihinayang dahil maayos ang pagganap ng kanilang mga council.