3 NPA, patay sa nangyaring engkwentro sa lungsod ng Sorsogon

SORSOGON CITY – Patay ang tatlong kasapi ng rebeldeng grupong New People’s Army habang isa ang nabihag sa nangyaring engkwentro sa Sitio Pinaglabanan, Brgy Gatbo, Bacon District lungsod ng Sorsogon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Rene Ezperanzate Espano alias Anjo, kasapi ng Larangan 1 Komite Probinsyal 3 at leader ng RBKU o ‘Rebolusyonaryong Buwis sa Kaaway na Uri;’ Jaime Fortadez alias Moy, Vice Commanding Officer ng Larangan 1, Komite Probinsyal 3 at isang nakilala lamang na Tony alias Amon.

Read More:  Duterte slams Tinio over Davao flood complaint, questions Marcos admin silence

Ayon pa sa ulat na natanggap ng Brigada News, nabihag ng operating team ang isang Janine Chavez na asawa ng isang NPA na si Jordan Camacho.

Una rito, nagsasagawa umano ng intel driven operations ang tropa ng pamahalaan sa nasabing lugar nang maka-engkwentro nila ang nasabing armadong grupo na nagresulta sa halos 20 minutong palitan ng putok.

Narekober sa lugar ang dalawang 5.56 Baby Armalite rifles, isang kalibre 9mm na pistol, ilang bandoliers, personal na gamit ng rebelled at makapal na subersibong dokumentos.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Nakubkob din ng mga awtoridad ang maliit na ‘makeshift’ ng mga rebelde na kinabibilangan ng dalawang kubo.

Kasamang umaksyon sa operasyon ang Provl Intelligence Unit ng Sorsogon PPO, Pto Diaz Municipal Police Station, 1st PMFC na suportado ng 31st IB at 903rd, Phil Army.