Anim na mga lugar sa Luzon ang nakitaan ng OCTA Research ng mulaing pagtaas ng positivity rate, ‘o ‘yung bilang ng mga nagpopositibo sa mga sumasailalim sa COVID-19 testing.
Ayon kay OCTA fellow Guido David, ang Metro Manila ay nakapagtala ng 15.6% na positivity rate mula September 10 hanggang 17.
Mas mataas ito mula sa 13.3% mula sa huli nilang inilabas na datos.
Maliban sa NCR, tumaas din ang positivity rate ng Bulacan sa 16.1%; 16.6% sa Cavite; 10.7% sa Laguna; 8% sa Pangasinan; at 18.7% sa Rizal.

Sa kabila nito, bumaba naman ang positivity rate sa iba pang mga Lalawigan sa Luzon.
Pinakamababa sa Zambales na mayroon na lamang 4.4%.
Bago ito, una nang sinabi ng Department of Health na ang bahagyang pagtaas sa mga positivity rate ay hindi pa direktang maiuugnay sa pagluluwag ng mask mandate sa mga outdoor areas.
#
