Posisyon ng Pilipinas sa South China Sea, mas tatatag dahil sa suporta ng European Union

Naniniwala si Pangulong Bongbong Marcos na malaki ang maitutulong ng strategic support ng European Union sa paggiit ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa mga posisyon nito sa South China Sea.

Sa isang pulong balitaan sa ASEAN-EU Commemorative Summit, sinabi ng Pangulo na mayroong ‘very strong position’ ang Pilipinas at ang ASEAN members dahil sa suportang ipinagkakaloob ng kanilang mga EU nations counterparts.

Read More:  LTFRB reviewing measures amid looming fuel price increase

Hinikayat din ng Pangulo ang mga ASEAN at EU leaders na magkaroon ng mas mahigpit na maritime cooperation para matiyak ang epektibong implementayon ng ruling ng UNCLOS sa mga pinagaagawang teritoryo.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Samanatala, sinabi rin ni Marcos na mananatili pa rin ang independent foreign policy ng Pilipinas at wala itong kakampihan sa pagitan ng Amerika at ng China.

Ayon sa Pangulo, gagawin niya ang mga paraan para hindi na lumala pa ang tensyon at lalabanan niya ang mga aksyong magdudulot lamang ng Cold War.