Posiblidad ng muling pagsabog ng Bulkang Bulusan ngayong araw, pinaghahandaan ng PHIVOLCS

Pinaghahandaan ngayon ng PHIVOLCS ang posibilidad ng muling pagsabog ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ito ay matapos maka-monitor ang tanggapan ng pagtaas sa seismic activity nito sa nakalipas na mga oras.

Sa pinakahuling bulletin ng PHIVOLCS, aabot sa 149 volcanic earthquakes ang naitala sa Bulkan sa nakalipas na bente-kuwatro oras.

Read More:  Tinio says Marcos should not ‘wash his hands’ over reported ₱24-B leadership fund

Sa ngayon, nananatili pa rin sa Alert Level 1 ang Bulkan.

Samantala, muling ipinaalala ni PHIVOLCS Dir. Usec Renato Solidum na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang mga residente sa loob ng 4 km danger zone sa area.

Read More:  Claire Castro rejects apology calls, says remarks on teachers were misinterpreted

Ito ay sa gitna ng order ng lokal na pamahalaan kung saan ay pinapayagan nang magsibalikan sa kani-kanilang mga tahanan ang ilang mga bakwit na nagsilikas dahil sa epekto ng ash fall.
#