Portugal, naiulat na wala itong naitala na COVID-related deaths sa nakalipas na araw, na unang beses mula August 2020

Naiulat ng Portugal na wala itong naitala na COVID-related deaths sa nakalipas na 24 oras na kauna-unahang beses makalipas ang halos siyam na buwan.

Mula nang mag-umpisa ang pandemya ay nakapag-ulat ang Portugal ng 16,965 na nasawi at 834,638 infections.

Nasa 196 lang ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Portugal.

Huling beses na nag-ulat ang Portugal ng zero COVID-related deaths ay noong August 3 pa.

Samantala, sinabi naman ng Portugal na tinayang nasa 20% ng 10-million na populasyon nito ang nabakunahan na ng isang dose ng COVID-19 vaccine at 7% naman ang nakatanggap na ng dalawang doses.

Mababatid na nagpatupad ang Portugal ng lockdown noong January para pigilan ang paglala ng COVID-19 surge.

Noong Marso naman ay unti-unti nang inalis ng Portugal ang mga restriksyon at mula noon ay nagawa na nitong mabuksan muli ang ilang mga paaralan, restaurant at cafe terraces, mga museums at hair salons.