Pope Francis umapela sa Nicaragua na makabalik ang mga ‘expelled’ na madre

Umapela si Pope Francis sa Nicaraguan government na tanggapin pabalik ng kanilang bansa ang mga “expelled” na mga madre.

Ang 18 madre ng Missionaries of Charity order ay inaresto sa border ng Costa Rica noong July bilang bahagi ng crackdown sa Catholic church ng gobyerno ni Daniel Ortega.

Matatandaan na naging mediator ang simbahan sa Central American country noong 2018 protest laban sa gobyerno na naging simula ng hindi maayos na relasyon ng simbahan at gobyerno kasunod ng panawagan ng hustisya para sa 360 na tao na namatay sa kaguluhan.

Binigyang diin ng Santo Papa na good revolutionaries of gospel ang mga nasabing madre at walang plano ang mga ito na makipag-giyera sa kahit na kanino.

Una nang na-revoke ang legal status ng mga nasabing madre na kilalang tumtulong sa mga mahihirap na Nicaraguans nang mahigit 30-taon.