4 na kaso ng COVID-19 sa Albay, naitala – PHO

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Provincial Health Office (PHO) na apat na mga indibidwal ang nagpositibo saCOVID-19 sa lalawigan ng Albay.

Sa datos na inilabas ng nabanggit na opisina, nakapagtala ng tigdadalawang kaso ng sakit ang bayan ng Guinobatan at lunsod ng Legazpi.

Read More:  Death toll rises to six in Zamboanga del Sur crash

Sa Guinobatan, ang nagpositibo ay parehong nagmula sa Barangay San Francisco na isang 28-anyos na babae at 27-anyos na lalaki.

Sa Legazpi City naman, nagpositibo ang isang 30-anyos na babae mula sa Brgy. 19 – Cabañgan, habang ang isa naman ay 56-anyos na lalaki na mula sa Brgy. Buraguis na isang health care worker.

Read More:  Laundry whitening product suspected in gulaman that sickened 29 students in Davao Del Norte

Panawagan ng Albay PHO na kahit opsyunal na ang pagsusuot ng facemask ay hindi dapat magpakampante dahil sa mayroon pa ring nagpopositibo sa sakit.

Hinikayat ng ahensya ang mga Albayano na magpabakuna na upang magkaroon ng proteksyon laban sa malalang sintomas ng COVID-19.