Suportado ng Commission on Population and Development Region 2 ang implementasyon ng The Challenge Initiative (TCI) sa ginanap na virtual orientation katuwang ang Regional Adolescent Health and Development Technical Working Group.
Sa natanggap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa POPCOM RO2, layunin ng nasabing aktibidad na makipag-ugnayan sa mga ahensiya upang makamit ang layon ng TCI na mgakaroon ng maunlad na komunidad upang maitaguyod ang mga kabataan at matugunan ang nakakaalarmang pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy.
Ayon kay POPCOM Deputy Executive Director Lolito Tacardon, ang TCI ay isang business unusual platform kung saan mapapalakas nito ang lokal na pamahalaan upang mapabilis ang kasanayan sa health and development interventions.
Kaugnay dito, nagpahayag ng pasasalamat si Santiago City Mayor Joseph Tan sa POPCOM at mga kasapi ng TWG sa pangakong interbensyon upang maiangat ang kabuhayan ng kaniyang nasasakupan.
Inihayag din ni Cauayan City Mayor Bernard Dy ang interes sa pagsali sa TCI ngayong taon.
Ito umano ay inisyatibo ng Bill & Melinda Gates Institute for Population and Reproductive Health sa Johns Hopkins Bloomberg School of Public Health.
Samantala, ang TCI Philippines ay isinusulong ng ZFF katuwang ang POPCOM at ibang local na pamahalaan kung saan tututok ito sa paggawa ng mga interbensyon upang maiwasan ang pagtaas ng teeanage pregnancy sa mga bayan at munisipalidad.