Inaasahan ng House Committee on Ways and Means na bago pa man ang halalan sa Mayo ay mailalabas na nang buo ang pondong gagamitin para sa P500 na household fuel subsidy.
Kung matatandaan, unang inirekumenda ng mga economic manager ng Gabinete na magkaroon ng household subsidy na nagkakahalaga ng P200 – ngunit pinataasan naman ito ni Pangulong Rodrigo Duterte sa P500.
Ang naturang ayuda ay ipamamahagi sa mga low-income houshold para maibsan ang epekto ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.
Maliban pa ito sa fuel subsidies na nakatakda naman para sa mga public utility vehicles o ang tinatawag na ‘Pantawid Pasada’ program.

Sa isang pahayag, sinabi ng chairman ng kumite na si Albay 2nd district Rep Joey Salceda na naka-hanap na sila ng soruce ng pondo para sa pamamahagi ng nabatid na ayuda.
Nakatakda namang pangunahan ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi sa ayuda.
#