Inumpisahan na ng Labor Department ang imbestigasyon sa kung sino ang nagpakalat ng fake news hinggil sa pag-lift ng deployment ban ng mga overseas Filipino workers sa Saudi Arabia.
Kung maaalala, lumabas ang pekeng abiso kung saan ay na-lift na umano ng Philippine Overseas Employment Administration ang pagbabawal sa pagpapadala ng ating mga kababayan sa Saudi – bagay na pinabulaanan na ng ahensya
Napag-alamang may umikot na isang ‘edited copy’ ng unang advisory noon pang 2021.
Ayon kay DoLE Information and Publication Service Dir. Rolly Francia, nagdulot ng kalituhan sa ating mga kababayan ang naturang abiso na ito.

Dahil dito ay nakikipagtulungan na ang tanggapan sa mga concerned law eforcement agencies para ma-track kung sino ang nasa likod ng fake advisory.
Posible rin umanong mayroon isang criminal ring na nasa likod ng pekeng balita
Bago ito, una nang inanunsyo ni Labor Secretary Silvestre Bello na hindi ili-lift ang suspension hanggang hindi pa nababayaran ng Saudi Government ang nasa P4.5Billion na back wages ng libu-libo nating mga OFW sa Saudi.
#