Pondo para sa emergency responders ng LGU Basud walang magiging problema kahit ang sweldo ay sa MDRRMO at ang supervision naman ay sa MHO

Kumpiyansa ang Municipal Health Office (MHO) ng Lokal na Pamahalaang bayan ng Basud, Camarines Norte na hindi magiging problema ang pondo para sa mga emergency responders kahit ang mga ito ay sumusweldo sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) at ang supervision naman ay nasa ilalim ng Municipal Health Officer.

Ito ang inihayag ni Municipal Health Officer Dr. Paolo Delos Reyes  sa kaniyang presentation ng Local Health Board- approved DRRM- H Plan sa regular na sesyon ng Sangguniang Bayan kahapon.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Natanong kasi si Delos Reyes ni Committee on Appropriations Chairman Councilor Pablo Ablaneda kung mayroon din ba dapat pondo para sa ER’s ang MHO dahil ito na ang ang magsusupervise.

Paliwanag naman ni Delos Santos na kung ang pag uusapan ang sa pasahod at activities ay iso- source out ito sa MDRR fund alinsunod sa batas.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Dahil dito walang transfer of fund na mangyayari.

Samantala wala pang disease surveillance ofiicer ngayon ang MHO at ang plano ay mag designate o lumikha ng posisyon para dito.