Poll body: 73% na ang mga naiimprintang balota para sa May polls

Ibinahagi ng Comelec na nasa 73% o 49 million mula sa mahigit 67 million na mga balota para sa May 9 elections ang naiimprinta na.

Ayon kay Comelec Commissioner Marlon Casquejo, na sa 13 rehiyon kabilang na ang BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim) at CAR (Cordillera Administrative Region) ay 73.7 percent nang naimprinta.

Read More:  Marcos nears completion of fifth SONA speech

Kaugnay nito, halos lahat umano ay 100 percent nang printed maliban ang para sa NCR, na sinimulan palang kahapon, at may natitira pang mga balota para sa Region 3, na 65 percent palang na printed.

Read More:  Marcos maintains trust in Dizon amid SEA Games probe

Dagdag ni Casquejo, ang mga printed ballots ay kailangan pang pumasa sa verification bago ideploy. //MHEL PACIA-TRINIDAD