Poe, ipinag-utos sa DOTr ang sapat at ligtas na byahe sa darating na Christmas season

Kinalampag ni Senator Grace Poe ang Department of Transportation (DOTr) na siguraduhing sasapat ang mga transportation vehicles para sa nalalapit na holiday season.

Ayon kay Poe, nararapat lamang na siguruhin ng gobyerno ang sapat at ligtas na byahe sa kabila ng inaasahang holiday rush ng mga pasahero.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Dagdag ng senador, sa milyon-milyong Pilipino na umaasa sa pampublikong transportasyon, kailangang paghandaan ang safe at accessible na mga public utility vehicles (PUVs).

Binigyang diin din niya na ang kakulangan ng mga PUVs ay maaaring magdulot ng mga fly-by-night at ng iba pang colorum vehicles na posibleng makaapekto sa kaligtasan ng publiko.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Paalala niyan rin ito bilang pagtalima sa National Day of Remembrance for Road Crash Victims, Survivors and Their Families sa ikatlong Linggo ng Nobyembre.
#